He is of REH Herbal

Our Social Media

Ka Rey Herrera


Renato E. Herrera



Nagumpisa po yan noong ako po ay magkaroon ng karamdaman noong 1984. Nagkaroon po ako ng "Lymphoma Cancer", ngumpisa po lamang noong ng ako'y magkaroon ng diabetes at high blood. Nag maintenance po ako ng almost five (5) years. Nawalan po ako ng pag-asa ng magpabiopsy po ako at nakita pong may "Lymphoma Cancer" ako. Ang sabi ay mag pa chemo daw po ako, eh wala naman po akong sapat na pera para ipa-chemo ang aking sarili, itinalaga ko na po ang aking buhay at umuwi na lamang po ako dito sa San Miguel, Bulacan para maghintay ng aking kamatayan, sapagkat ang chemo po noon ay hindi ko kayang tustusan. Sabi nga ng asawa ko noon eh "mauubos pa ang konti nating kabuhayan kung tutustusan natin ang pagkachemo mo".

Naisipan ko sa aking paghiga-higa sa ilalim ng mga puno, bakit ang kambing ay hindi pinipeste, bakit hindi ko subukan, pero hindi naman po lahat ng kakainin ng kambing ay pwede kong kainin. Ang ginawa ko po, kumuha po ako ng mga ugat ng mga talahib, ugat ng kugon, ugat ng makahiya at ugat ng bakiskisan. Ginawa ko po noon ay nilaga ko po iyon, sa pamamagitan ng aking paglaga-laga at pag inum-inom sa loob po ng isang buwan, nakatindig po ako at nakakalakad. Subalit mahirap po paniwalaan sapagkat hindi naman po ako isang chemist, ako po ay undergraduate pa ng Grade-IV, ipinagmamalaki ko po iyon.

Noong ako'y makatayo na, nilalaman ko na po ang pagsisiyasat ukol doon sa mga tinatawag ng mga pananim. Sapagkat pinanukala ko gaya ng bayabas, lahat ng maraming buto, iniisip ko na 'yan ang makakatulong sa aking kalusugan, sapagkat inumpisahan ko sa bayabas, dahon ng atis, guyabano yung maraming mga buto. Aba, nakalakad po ako ng diretso at ngayon sa edad ko po ng 71, eh makikita niyo po sa aking pangangatawan na hindi na niyo po iniisipin na ako ay nagkaroon ng karamdaman.

Kaya ang paanyaya ko sa lahat ng mga may karamdaman, masasabi natin na isang tulong lamang at awa lang po sa akin ng Panginoon Diyos yan sapagkat marami na rin po akong natulungan. Kaya kapag ang pag-uusapan lang po ay simpleng karamdaman ang tataglayin niyo, eh wag na po kayong mabahala sapagkat meron na po natuklasan na makakatulong sa iba't ibang uri po ng karamdaman. Sapagkat ang natulungan na po natin na mga mamayang Pilipino, kung bibilangin po libo-libo na po. Sapagkat nag-umpisa po ang kasaysayan ng Ka Rey Herrera 1994, 1995, 1996, naghahanap po ako ng mga may malalalang kaso po ng karamdaman at hinahamon ko po noon na "Galing Muna Bago Bayad" naranasan ko mainsulto, naranasan ko mapilosopo at naranasan ko yung matutukan ng baril noong araw, mailunsad ko lang sapagkat itinaya ko pa ang aking karangalan.

Sa pamamagitan noon, na 'kapag may nangyari anya sa tatay ko hindi ka na makakalabas ng buhay dito'. Sa kagustuhan ko na mapatunayan ang aking natuklasan sa sarili kong katawan, inilaban ko po iyon. Hanggang sa umabot na po na humahamon po ako noon ng "money back", "galing muna bago bayad" sa iba't ibang sektor, lumalakas na loob ko hanggang sa nagkaroon ng isang hamunan o challenged na itinaya ko ang aking dignidad at karangalan na lalo na kung ang sakit lang ng diabetes, yung mga may sugat ang paa na hinatulan na putulan, tumugon po ako sa hamon na nakataya ang aking katauhan at karangalan na pag may naputulang isa sa sampu (10) ay magreresign po ako bilang "herbalist" at ipapasara ko ang aming opisina at nakahanda po ako sa anumang parusa ang igawad nila kapag may naputulang isa (1) sa sampu (10).

Ako po ay nagtagumpay at hindi lamang sampu ang kinuha nila, ngayon po ay singkwenta'y otso (58) na po ang walang napuputulan ng paa, kaya malakas po ang loob ko na ipag anyaya sa mga mamamayang Pilipino na ang aking naging karanasan ay maibahagi ko sa inyo, sapagkat kung kayo ay pamilyar sa akin - Ka Rey Herrera, hindi na po kayo mahihirapan mag atubili sapagkat yung sakit po na "forever and ever", subukan lang nila 3 to 4 months, sila po ang magpapatunay na hindi po ako. Kaya sabi ko nga po sa wikang kapampangan "Subukan pa mo para mabalo". Wala pong masama, titiisin mo'y sampung taon (10), dito 3 to 4 months makakaramdam na po kayo ng ginhawa. At inaanyayahan ko po kayo , isang bote lang subukan niyo na kapag wala kayong naramdamang buti sa isang bote ay wag niyo na pong ituloy, sapagkat ko po ay makatulong sa mamamayang Pilipino. Kaya po ang aking naging slogan ay..

"Walang Gamot ang Kamatayan, May Lunas ang Karamdaman. REH Kings Herbal Food Supplement, Dito Ka Tatagal!"
Ka Rey Herrera
Ka Rey Herrera in 1994 was diagnosed with cancer and also a diabetes. He was given three (3) months to live, but at present, Ka Rey Herrera enjoy his healithy life because of his Cure invention - REH Herbal